Ang Sambayanang Kristiyano ng Basilica Menor ni San Miguel Arkanghel
Ang dalawang Prayleng Pransiskano, sina Fray Juan Placencia at Fray Diego de Oropesa ang unang nagtanim ng pananampalatayang Kristiyano sa Tayabas.Noong 1578, sa kanilang masidhing pagnanasay makatagpo ng mga kaluluwa para simulang pagtaniman ng Kristiyanismo, tulad na ang mga bulubunduking bahagi ng Laguna at noon ay kilalang Lalawigan ng Caliraya.
Ang Tayabas
Apat na daan at dalawanpung taon nang bayan. May layong 150 kilometro timog-silangang bahagi ng Maynila. Nahhihimlay sa may paanan ng Bundok Banahaw. Dating punong-lunsod ng lalawigan ng Tayabas (ngayo'y lalawigan ng Quezon). Tinatayang may 76,644 ang naninirahan at 95% nito ay pawang mga Katoliko.
San Diego de Alcala
Nobyembre 12, 1463 sa Alkala, Espanya ay yumaong patungo sa kalangitan si San Diego (Diaz, Didacus). Siya ay ermano sa Orden ni San Francisco de Asis na uliran sa pagmamahal sa Santisimo Sakramento at sa Mahal na Birhen.
San Miguel Arkanghel
Si San Miguel Arkanghel ay isa sa pitong arkanghel na sina Gabriel, Rafael, Sealtiel, Uriel, Jedudiel at Beraquiel. Bilang prinsipe at puno ng mga mabubuting anghel, siya ay kinikilalang tagapagtanggol ng bayan ng Israel at ng Santa Iglesya; sa Santong Kasulatan ay malinit siyang banggitin. (Dan. 10, 12; Jud. 9; Apok 12).
Ang Basilika Menor ni San Menor ni San Miguel Arkanghel
Ang basilica, sa orihinal na pakahulugan ng salaita ay isang malaking bulwagan, malawak at maraming palamuti at may kakaibang estilo ng arkitektura na akmang pinagdarausan ng malakihang pagtitipon sa pangunguna ng Emperador sa kapanahunan ng Imperio Romano.