Basilica Restoration Sponsors Through FOSMA 2014 Members

  • Image 1 Caption
  • Image 2 Caption
  • Image 3 Caption

Tayabas Church ClockAng Tayabas

Apat na daan at dalawanpung taon nang bayan. May layong 150 kilometro timog-silangang bahagi ng Maynila. Nahhihimlay sa may paanan ng Bundok Banahaw. Dating punong-lunsod ng lalawigan ng Tayabas (ngayo'y lalawigan ng Quezon). Tinatayang may 76,644 ang naninirahan at 95% nito ay pawang mga Katoliko.

Isang pook agricultural, sagana sa puno ng niyog at tanim na palay. Pamayanan ng mga bihasang-manggagawa, propesyunal at maraming bilang ng mga tao. Mgananinirahan ay pawing masayang nagdiriwang ng kapiyestahan at iba pang okasyong pampamilya.


Mapagmahal sa sining at kultura na mababanaag sa mga mamamayan. Katotohanan ng isang makulay na nakaraan at maunlad na kinabukasan.Maraming pagbabago sabayang ito'y hugis, kaayusan ng mga kabahayan, mga gusaling pangkalakalan at at mga malalaking establisimyento pagpapakita ng patuloy na pag-unlad nito at ng mga naninirahan. Mabilis din ang pagdami ng mga mamamayan. Mabilis din ang pagdami ng mga naninirahan, sa kabayanan pa lamang ay tinataya nang may 22,200 ang naninirahan sa loob pa lamang ng 19 na barangay na sakop nito, hindi pa kasama ang 47 barangay sa lina

Niyog ang pangunahing pananim sa bayang ito. Ang mga Tayabasin ay lubos na umaasa sa malaking buyaya na idinudulot ng niyog. Maliban sa pagiging agricultural, may karamihan na rin ngayon ang naghahanap-buhay sa pamamagitan ng mga handicrafts paglalala ng basket at paggawa ng mga laruan o palamuti at dekorasyon mula dayami na naipapadala na sa ibang bansa. Ang iba naman ay sa pagtatanim ng mga prutas at gulay nagiging abala upang matustusan ang pangangailangan.marami na rin ang nakikipagsapalaran at nagtatagumpay sa kamaynilaan, sa iba't ibang lugar maging sa ibang bansa upang mapaunlad ang kanilang kabuhayan at kinabukasan.

Ang Tayabas ay napapaligiran ng apat na malala

king bayan: Lucban sa Hilaga, Lunsod ng Lucena sa Timog, Sariaya sag awing Kanluran at Pagbilao naman sa Silangan. Sa bawat lagusan patungo sa mga bayang ito ay may itinayong moog-bantayan (noong panahon pa nga mga Kastila) upang masubaybayan ang di inaasahang pagsalakay ng mga kaaway. Ang mga moog bantayan na ito ay naging bahagi ng masayang pagdiriwang ng kapiyestahan ng Santo Patron San Miguel Arkanghel tuwing ika-29 ng Setyembre, gayundin naman sa pagpaparangal sa pinipintakasing si San Diego de Alcala na ipinagdiriwang tuwing ika-12 ng Nobyembre. Sa pagdiriwang ng kapiyestahan mga panauhi'y mawiwili at magaganyak sa pagkain ng masarap na laing at tamales. Kinasanayan na ring ipasalubong sa mga kaibigan at mahal sa buhay ang masarap na budin o dil kaya'y ang maririkit nilang basket o kauri nito mula sa bayang ito.

Maging sa pagdiriwang ng kapaskuhan, mababanaag ang paniniwala ng mga Tayabasin sa sinauna at makabagong pamamaraan. Sa paghahanda ng Queso de Bola, kalamay, spaghetti, tsokolate at softdrinks, may kakaning pansit-bihon na may catsup sa pagdiriwang ng kaarawan. Maging sa libangan ay magkahalo rin mayroong betamax, VHS at mayroong din naman pasine sa Patio.

Sa ngayon, hindi pa rin malinaw para sa mga Tayabasin kung saan nagmula ang pangalang ito ng bayan. Saan nga ba hinalaw ang salitang TAYABAS sa Bayabas o Tinabas?

 

FOSMA 2014


    Hermanos
  • Araya, Gil
  • Ayangco, Manuel
  • Babierra, Arnel
  • Zafranco, Aga Paolo Angelo
  • Biazon, Mario
  • Sumilang, Cesar Jr.
  • Tabi, Armando
  • Reyes, Vinson
  • Mancenido, Ernest
  • Goze, Dustin Felix
  • Valencia, Aldrin
  • Reynoso, Luis
  • Reyes, Dominador
  • Dela Cruz, Sesinando
  • Cabuyao, Suprimo

    Hermanas
  • Pontioso, Elda
  • Jalocon, Maricel
  • Jacela, Librada
  • Profugo, Estelita
  • Lachica, Laarni
  • Pontioso, Chit Berroya
  • Manzano, Wenifreda
  • Llames, Joy
  • Dadios, Alodia
  • Juntereal, Lilian
  • Eguia, Billy
  • Sibug, Carol
  • Quinsanos, Eva
  • Aguinaldo, Marie Krista
  • Obispo, Nica Andrei

Recent Donors

Recent Donors
Paaralang Elementarya ng Lucban P 3000.00
Mr. Horry Castillo & Family P 3000.00
Mr. Dante Dela Cruz & Family P 2000.00
Gino's Marketing P 2000.00
Mr. Jimbo Pardo & Family P 2000.00
Drs. Kristoffer & Samantha O. Mortos P 2000.00

 

Mass Schedule

Like Us