Basilica Restoration Sponsors Through FOSMA 2014 Members

  • Image 1 Caption
  • Image 2 Caption
  • Image 3 Caption

frontpage Ang Sambayanang Kristiyano ng Basilica Menor ni San Miguel Arkanghel

Ang dalawang Prayleng Pransiskano, sina Fray Juan Placencia at Fray Diego de Oropesa ang unang nagtanim ng pananampalatayang Kristiyano sa Tayabas.Noong 1578, sa kanilang masidhing pagnanasay makatagpo ng mga kaluluwa para simulang pagtaniman ng Kristiyanismo, tulad na ang mga bulubunduking bahagi ng Laguna at noon ay kilalang Lalawigan ng Caliraya.

 

 

Pansamantala silang nanahan sa baybaying dagat ng Unisan. Dahil sa malimit na panggugulo ng mga umaatakeng Moro, ang mga prayle ay nasiraan ng loob sa pagpapatuloy ng kanilang misyon. Silay lumipat sa dakolang kapatagan na ngayon ay TAYABAS.

Itinayo nila ang isang munting simbahang yari sa mga local na materyales sa bagong tuklas na pook na ito. Pinasimulan nila ang masigasig at mabungang Gawain na dalhin ang Diyos sa mga katutubo.

Masaya nilang natuklasan ang likas na pagkarelihiyoso at ang mabuting kalooban ng mga tao. Natagpuan din nila ang matatabang lupain ditto at ang bukas na loob ng mga tao na magtrabaho at matuto ng mga bagong kaisipan at kakaibang banyagang kultura.

Sa utos ni Fray Pedro Bautista, na noon ay tagapamahala ng mga Pransiskano sa Pilipinas, itinayo ang simbahang bato noong 1600. Lubahang napinsala ito noong malakas na lindol ng 1743. Ang umuusbong na pananampalataya at pagkamatiyaga ng mga Tayabasin ang patuloy na nagbunsod na mulit muling ayusin ang simbahan sa kabila ng mga dumating na sakuna. Ang simbahan ay kaugnay sa kasalukuyang kaanyuan na may 103 metro ang kahabaan ay nabubuo sa pagitan ng taong 1855-1860.

Ang Tayabas ay nagging sentro ng kulturang local para sa buong lalawigan. Ang simbahan ni San Miguel Arkanghel na ang kapistahan ay ipinagdiriwang tuwing Setyembre 29 ay nagging tampukan ng lahat ng mga gawaing relihiyoso na siyang nagging daan ng pagbubukas ng iba pang pook ng misyon sa buong lalawigan.

Ang kalagayan ng parokya ng Tayabas sa buong Diyosesis ng Lucena ay panghabang panahong nakatarak na sa kasaysayan ng Lalawigan ng Quezon, gayon din sa mga napakaluma nang dokomento na dating sede ng diyosesis sa Arsidiyosesis ng Nueva Caceres. Ang parokya ng tayabas noon ay bayang pahingahan para sa mga misyonero, iba pang klero ng iba-ibang relihiyoso at mga panauhin, bago at pagkatapos ng bawat paglalakbay sa Camarines.

Ang kabuuang populasyon ng parokya ni San Miguel Arkanghel, taon 1998 ay 49,878 na ang 98.1 por ciento ay mga Katoliko. Naging ganito ang populasyon bunga ng malawakang pagbubuo ng dalawang parokya mula ditto noong kapanahunan ng yumaong Obispo Alfredo Ma. Obviar “ 1959, ang parokya ni San Roque sa Ilasan, Tayabas at 1969, ang parokya ng Ina ng Laging Saklolo sa Bukal, Tayabas.

Sa ngayon, ang Basilika ni San Miguel Arkanghel ay pinangangasiwaan ni Mons. Antonio Obea, bilang kura paroko at Fr. Justo Pereira, Fr. Robin Cruz, mga bikaryo parokyal. Kasama rin si Msgr. Romulo Obviar bilang resident Priest. Sinasabi na ang parokya ngayon ay lagging buhay, sigasig at lagging may hinaharap tulad ng mga nakalipas ng paroko ng makasaysayang simbahang ito. Ang pagpapanatili ng pananampalatayang Katoliko ng halos kabuuang populasyon ng parokyang ito ang pinakatanging yamang maipagmamalaki ng Parokya ni San Miguel Arkanghel.

The Minor Basilica of St. Michael the Archangel is a Roman Catholic basilica located in Tayabas, Quezon. It is the largest Catholic church in the Province of Quezon.It is renowned for having the shape of a key. Locals often refer to the church as Susi ng Tayabas.Like most of the churches in the Philippines during the Spanish colonial era, the first church of Tayabas was made of indigenous materials. In 1585 the church was constructed under the supervision of franciscan friars with St. Michael the Archangel as its designated Patron Saint. in 1590, the church was repaired under the supervision of St. Pedro Bautista. in 1600 the church was rebuilt using bricks but it was later destroyed by the 1743 earthquake.

In a few years the church was again rebuilt into a bigger one to accommodate the growing number of worshippers in the province. It was once again expanded in 1856 with the addition of the transept and copula and in 1894 the brick tile roof was replaced with galvanized iron sheets. On October 18, 1988 the title Minor Basilica was conferred by Pope John Paul II. It was proclaimed on January 21, 1989. It is considered to be one of the most beautiful churches in the Philippin


FOSMA 2014


    Hermanos
  • Araya, Gil
  • Ayangco, Manuel
  • Babierra, Arnel
  • Zafranco, Aga Paolo Angelo
  • Biazon, Mario
  • Sumilang, Cesar Jr.
  • Tabi, Armando
  • Reyes, Vinson
  • Mancenido, Ernest
  • Goze, Dustin Felix
  • Valencia, Aldrin
  • Reynoso, Luis
  • Reyes, Dominador
  • Dela Cruz, Sesinando
  • Cabuyao, Suprimo

    Hermanas
  • Pontioso, Elda
  • Jalocon, Maricel
  • Jacela, Librada
  • Profugo, Estelita
  • Lachica, Laarni
  • Pontioso, Chit Berroya
  • Manzano, Wenifreda
  • Llames, Joy
  • Dadios, Alodia
  • Juntereal, Lilian
  • Eguia, Billy
  • Sibug, Carol
  • Quinsanos, Eva
  • Aguinaldo, Marie Krista
  • Obispo, Nica Andrei

Recent Donors

Recent Donors
Paaralang Elementarya ng Lucban P 3000.00
Mr. Horry Castillo & Family P 3000.00
Mr. Dante Dela Cruz & Family P 2000.00
Gino's Marketing P 2000.00
Mr. Jimbo Pardo & Family P 2000.00
Drs. Kristoffer & Samantha O. Mortos P 2000.00

 

Mass Schedule

Like Us